HIGH SCHOOL PRINCIPAL AT KAPATID NITONG NEGOSYANTE, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION SA BAYAN NG ALCALA

184

ALCALA, PANGASINAN – Ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Pangasinan ang isang buy-bust operation laban sa isang High School Principal at sa kapatid nitong negosyante sa bayan ng Alcala.

Pasado alauna kahapon ng madaling araw, ika-14 ng Oktubre nang isagawa ang naturang operasyon sa mga suspek na nagresulta sa pagkakakumpiska ng aabot sa anim na gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng kabuuang P40, 800.


Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay PDEA Pangasinan Provincial Officer Rechie Camacho, ang mga suspek ay kabilang sa target listed ng mga otoridad sa usapan ng illegal drugs at ilang buwan ng minanmanan bago ikinasa ang buy-bust.

Inihahanda na ang mga kaukulang kaso na isasampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments