High-tech na jacket, ipararamdam ang musika sa mga walang pandinig

PHOTO: CuteCircuit

Maaari nang maaliw sa musika at makasabay sa sayawan ang mga walang pandinig sa pamamagitan ng isang high-tech na jacket na magpaparamdam ng tugtog.

Gawa ng London-based fashion company na CuteCircuit ang “Sound Shirt” na sinasabing may nakakabit na 16 sensors para maramdaman ng sumusuot ang instrumento mula sa iba’t-ibang bahagi ng jacket.

Halimbawa, maaaring maramdaman ng sumusuot ang tunog ng violin, habang pumapalo sa likuran ang bawat hampas sa drums.


Ginawang modelo ng high-tech na kasuotan ang kambal na sina Hermon at Heroda Berhane na nawalan ng pandinig noong bata pa sila.

Para sa dalawa na mahilig sumayaw ngunit hindi nakakarinig, isang panibagong karanasan ang pagmomodelo ng Sound Shirt.

“It’s almost like feeling the depth of the music. It just feels as though we can move along with it,” pagsasalarawan ni Hermon, sa ulat ng Reuters.

Paliwanag ng co-founder at chief creative officer ng CuteCircui, gumagamit ng “smart fabric” sa jacket–manipis, nababanat, at kondaktibong tela.

Nagkakahalaga ng $3,673 o kulang-kulang P200,000 ang high-tech na jacket.

Facebook Comments