High value target ng PNP huli sa drug buy bust operation ng Pikit PNP

Huli ng pinagsanib pwersa ng Pikit Mps, 1203rd Regional Mobile Force Battalion ang ama ng tahanan, sa ikinasang drug buy bust operation noong sabado ng hapon.
Kinilala ni PSI Arvin John B. Cambang Deputy Chief of Police ng Pikit Mps ang nahuli na si Alladin Abdullah Mapagagong, “Alias Talemped,” 47 anyos, may asawa na residente ng barangay Batulawan, Pikit, Cotabato.
Ayon sa ulat mula sa pikit Pnp, ikinasa umano ang buy bust operation, kungsaan target si Mapagagong na kasama sa mga target ng mga otoridad.
Narekober sa pag-iingat ng suspect ang tatlong peraso ng heat sealed transparent sachet at isang wallet at isang 5 hundred peso bill na produkto ng drug buy bust operation.
Pagkatapos mahuli ang ama ng tahanan ay dinala sa Crusado Medical Hospital sa bayan ng Pikit at kinunan ng medical examination bago ipiniit sa custodial facility ng Pikit Pnp.
At nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002.
Patuloy parin nanawagan ang mga otoridad maging si Pikit Mayor Datu Sumulong K. Sultan na tigilan na ang bawal na droga dahil walang maydudulot na kabutihan sa sarili, kundi pagkasira pa nang boung familya. (Report from Jessie Ali.)

Facebook Comments