TInangay ng isang hindi pa nakikilalang suspek ang daang libong halaga ng gadgets at kita ng isang computer store sa Brgy. Pantal, Dagupan City, Pangasinan.
Ayon sa imbestigasyon, ginawang entry at exit point ng suspek ang rooftop ng establisimyento na hinihinalang ginamitan ng suspek ng metal scissor.
Kuha sa CCTV ang pagtangay nito sa ₱34, 635 na kita ng establisyemento, maging ang 17 piraso ng iba’t-ibang gadgets na may kabuuang halagang ₱842, 371.
Hirap ang awtoridad na matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima dahil balot ito ng bonnet, jacket at gloves nang manloob.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakilanlan ng suspek.
Facebook Comments










