Mahigit ₱1.015 milyon halaga ng fishery livelihood inputs ang ipinamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga mangingisda sa Laoag City at Bacarra, Ilocos Norte.
Sa ilalim ng programang “Padur-asen ti FAMilia,” layon ng distribusyon na suportahan ang produktibidad at kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda sa unang distrito ng probinsya.
Kabilang sa mga ipinagkaloob ang motorized boat engines, tuna handlines, cooler boxes, at weighing scales.
Nasa 206 na rehistradong mangingisda ang nakinabang, 158 sa Laoag City at 48 sa Bacarra.
Pinangunahan ng BFAR ang ceremonial turnover bilang pagpapakita ng tuloy-tuloy na suporta ng ahensya sa pagpapaunlad ng sektor ng pangingisda sa lalawigan.
Dumalo rin sa aktibidad ang mga lokal na opisyal bilang tanda ng suporta sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga komunidad ng mangingisda sa Ilocos Norte.







