Cauayan City, Isabela- Aabot sa 176 benepisyaryo mula sa coastal town ng Isabela gaya ng Divilacan at Maconacon ang nakatanggap ng tig-P5,000 financial assistance sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) 2 ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Layunin nitong tulungan ang mga manggagawang nawalan ng trabaho sa sektor ng turismo.
Nagpasalamat naman si Ms. Erma Alvarez, isa sa mga benepisyaryo matapos makatanggap ng tulong pinansyal mula sa programa ng DOLE dahil kahit malayo ang kanilang lugar ay umabot pa rin ang tulong ng gobyerno.
Samantala, namahagi rin ang naturang ahensiya sa lugar ng tinatayang aabot sa kabuuang P400, 000 na halaga sa labing-siyam (19) na benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) ng DOLE.
Kabilang sa mga trabaho ng GIP beneficiaries ay ang profiling, encoding, assisting at iba pa.
Facebook Comments