38 mga tagasuporta ng communist terrorist group sa Cagayan sumuko sa militar

Kusang loob na sumuko sa 17th Infantry Battalion ng Joint Task Force Tala ang 38 tagasuporta ng communist terrorist group sa Sta. Teresita, Cagayan.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lieutenant General Ernesto Torres Jr., 27 sa mga sumukong indibidwal ay mula sa Barangay Alucao habang 11 ang residente ng Barangay Aridowen.

Una nang sumuko at nanumpa sa katapatan sa gobyerno noong January 30, 2022 sa Tadian Mountain Province ang41 miyembro ng Kasigudan Aywanan Takderan Binangon di Kabunyan Organization (KATABIKO), isang mass base support group ng communist terrorist.


Facebook Comments