HIGIT 100-K SAKO NG BINHING PALAY, NAIPAMAHAGI NG DA-PHILRICE ISABELA

Nasa mahigit 100,000 sako na ng libreng binhing palay ang naipamahagi Department of Agriculture-PhilRice sa mga magsasaka sa apat na probinsyang sakop nito sa Rehiyon Dos at Cordillera Administrative Region.

Batay sa pinakahuling datos na ibinahagi ng ahensya, umabot na sa kabuuang 134, 468 ang kanilang naipamahagi as of December 24, 2022.

Umabot sa 46,602 naman ang mga magsasakang nabenepisyuhan ng libreng binhi mula sa mga probinsya ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Kalinga at Ifugao kung saan tinatayang 42, 682 ektarya naman ng bukirin ang natamnan.

Nagsimulang mamahagi ng mga binhi ang DA-PhilRice Isabela sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) program nito noong Oktubre 17, 2022 at sa loob ng ilang buwan ay nasa 102%, higit na sa target allocation nila ang nai-deliver sa mga LGUs para sa Dry Season 2023.

Ayon sa DA-PhilRice, ang mga benepisyaryong di pa nakakuha ng kanilang libreng binhi ay kinakailangan ng makipag-ugnayan sa kanilang mga Municipal Agriculture Office para sa iskedyul ng pamamahagi ng binhi sa kanilang mga lugar.

Facebook Comments