Bilang ng international passengers sa NAIA terminals, pumapalo na ng hanggang 35,000

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na pumapalo na sa 33,000 hanggang 35,000 kada araw ang buhos ng international passengers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.

Sa ambush interview sa NAIA, sinabi ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na nag-deploy na sila ng karagdagang immigration officers sa counters.

Kabilang sa dumadagsa ngayon na international passengers ay bound sa South Korea at iba pang Asian countries na may connecting flights patungong United States at Canada.


Ang naturang mga pasahero ay nag-Pasko sa Pilipinas at pabalik na ng ibang bansa.

Facebook Comments