KARAGDAGANG 5 BAGONG FIREWORK-RELATED INJURY, NAITALA NGAYONG ARAW

Umabot na sa walo ang naitalang Firework-related injury ng Department of Health (DOH) Region 2 sa rehiyon ngayong araw, Disyembre 27, 2022.

Ito ay matapos makapagtala ng limang (5) karagdagang kaso nito

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng DOH Region 2, isa sa mga biktima ay na-admit sa hospital.

Anim sa mga biktima ay lalaki habang dalawa naman ang babae.

Kalahati din sa bilang ay nagtamo ng eye injury matapos maputukan ng boga.

Ang walong kaso ng FWRI ay naitala mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 27, 2022.

Ito ay 100% mataas kumpara sa kaparehas na period noong 2021.

Kaugnay nito, patuloy parin ang DOH sa pagpapaalala sa publiko na wag gumamit ng paputok ngayong panahon ng pagsalubong sa bagong taon upang maiwasan ang anumang insidente.

Facebook Comments