Higit 1,000 katao sa Bayombong, Nueva Vizcaya, fully vaccinated na

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa 3,516 ang nabakunahan mula A1 hanggang A3 priority list sa Bayombong, Nueva Vizcaya para sa 1st dose habang 1,156 ang fully vaccinated.

Batay sa vaccination report ng Municipal Health Office, nasa 904 ang target na mabakunahan sa healthcare workers subalit nahigitan pa ang naturang bilang habang 7,598 ang target sa senior citizen ngunit nasa 26.6% pa lang ang nabakunahan o katumbas ng 2,116.

Sa A3 priority list o Persons with Comorbidities, mula sa target na 5,000 ay nasa 457 pa lang ang nabakunahan o 8.38%.


Samantala, nakasalalay ang pagbabakuna sa mga sumusunod na kadahilanan gaya ng Availability of vaccine/vaccine supply, pagpayag ng mga target priority na mabakunahan at ang kasalukuyang pagtiyak sa listahan ng mga senior citizen at iba pang priority group.

Hinimok naman ng lokal na pamahalaan ang publiko na magpatala para maisama sa mga prayoridad na mabakunahan.

Facebook Comments