Higit 11 milyong pamilya, ikinukonsiderang mahirap sila – SWS

151

Halos 11.6 million na Pilipinong pamilya ang nagsasabing mahirap sila.

Base sa fourth quarter 2018 survey ng Social Weather Stations (SWS), 50% ng Pilipinong pamilya ang ikinokonsiderang mahirap sila.

Mababa ito kumpara sa 52% noong september 2018 survey o katumbas ng 12.2 million na pamilya.

Mula sa 65% nitong September 28, bumaba sa 49% ang nagsabing naghirap sila sa Mindanao, bumaba ng anim na puntos sa Visayas na may 61%.

Tumaas naman ng apat na puntos sa balance Luzon na may 51% at sa Metro Manila na may 30%.

Isinagawa ang survey mula December 16 hanggang 19, 2018 sa 1,440 adult respondents na may margin of error na +/- 2.6%.

Facebook Comments