Tuguegarao City, Cagayan- Aabot sa kabuuang 137,444 na pamilya sa rehiyon dos ang napabilang sa inisyal na talaan ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD F02)- National Household Targeting Section (NHTS).
Batay sa datos ng ahensya, 277 households ang natukoy na mahirap sa probinsya ng Batanes; 53,251 sa Cagayan; 61, 898 sa Isabela; 17, 521 sa Nueva Vizcaya; at 4, 497 sa Qurino.
Para mas mapabilis na matukoy kung sinu-sino ang mahihirap sa rehiyon dos, gumamit ang ahensya ng Proxy Means Test (PMT) na isang mekanismo na tumutukoy sa kabuuang kita ng isang pamilya na itinakda ng pamahalaan na kabilang sa mahirap.
Magsasagawa rin ng hiwalay na validation ang NHTS para masigurong totoo, kumpleto ang talaan bago ito maisapinal.
Ipapaskil naman ang mga listahan sa lahat ng barangay sa rehiyon dos upang matukoy ng mga residente kung kabilang nga ba sila sa mahihirap o poverty threshold.
Nilinaw naman ng ahensya na ang listahan na kanilang ipapaskil ay hindi tumutukoy sa mga benepisyaryo ng anumang ayuda gaya ng SAP, Unconditional Cash Transfer Program (UCT), o Social Pension for Indigent Senior Citizen lalo na at hindi ito listahan para sa mga naapektuhan ng bagyo.
Hinimok naman ng ahensya na maaaring makipag-ugnayan sa mga nakatalagang area supervisor sa barangay community desk.