Road clearing operation ng JTF NCR sa Marikina, nagpapatuloy!

102

Walang tigil ang ginagawang road clearing operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force National Capital Region (JTF NCR) sa Marikina City matapos na makaranas ng matinding pagbaha dahil sa Bagyong Ulysses.

Sa update ni AFP Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata kahapon nagsagawa ng road clearing operations ang mga tauhan ng JTF NCR sa Brgy. Industrial Valley Complex (IVC).


Aniya, sa C5 Road, 100% nang clear, sa Caparas St. Ulandes, 80% at nagpapatuloy ang flushing.

Habang nagpapatuloy ang road clearing sa Pres.Quirino St., Cinco Hermano, na sakop rin ng Barangay Industrial Valley Complex.

Una nang ideneploy ng JTF NCR ang kanilang mga tauhan mula sa 51st Engineering Brigade para tumulong sa road clearing operations.

Sila ay may bitbit na mga heavy equipment, katulad ng payloader , dumptruck, backhoe loader at grader.



Facebook Comments