Higit 167-K lifeline customers ng Maynilad, may rebate sa May12 bill

Nasa 167,500 na “lifeline customers” Maynilad ang makatatanggap ng rebate o balik-bayad sa May bill.

Bunsod ito ng mga ipinatutupad na water service interruption ng Maynilad dahil sa mababang produksyon sa Putatan Water Treatment Plants.

Ayon sa water concessionaire, nasa 10.81 million pesos ang kabuuang halaga ng isasauling bayad sa mga customer na mababa pa sa 10 cubic meters ang konsumo sa tubig kada buwan.


Pasok dito ang mga customers nila sa ilang bahagi ng Makati, Pasay, Parañaque, Muntinlupa, Las Piñas, at Cavite.

Matatandaang pinalawig ng Maynilad ang daily water service interruptions nito sa Metro Manila at Cavite hanggang May 16.

Facebook Comments