Higit P1 rollback sa petrolyo, asahan na sa Martes

Asahan na ang higit pisong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa pagtaya ng oil industry, maglalaro sa piso at singkwenta sentimos hanggang piso at otsenta sentimos ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.

Piso at bente sentimos hanggang piso at singkwenta sentimos naman sa diesel habang piso at diyes sentimos hanggang piso at kwarenta sentimos sa kerosene.


Ngayong araw, inaasahang mag-aanunsyo ng kani-kanilang bawas-presy1o ang mga kompanya ng langis na kalimitan namang ipinatutupad tuwing Martes.

Facebook Comments