Higit 1K pulis na may kamag-anak na kandidato ngayong eleksyon, ni-reshuffle

Manila, Philippines – Magpapatupad ang Philippine National Police (PNP) ng balasahan sa higit 1,300 police officers na may kamag-anak na kumakandidato sa 2019 midterm elections.

Ayon kay PNP Chief, Police General Oscar Albayalde – ang limited reshuffle ng PNP personnel ay bahagi ng administrative measure upang matiyak ang impartiality at non-partisan law enforcement ng mga pulis.

Nasa 121 provincial directors, city directors, mobile force commanders at chief of police ang sakop ng balasahan.


Sinabi ni PNP Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) Head, Police Major General Lyndon Cubos – nasa 1,858 PNP personnel ay may kadugo o kamag-anak sa mga pulitikong tumatakbo sa nalalapit na halalan.

Nag-isyu na rin sila ng resignation orders sa limang police personnel na naghain ng Certificates of Candidacy (COC) para sa local elective post.

Facebook Comments