Nakapagtala ang mga awtoridad ng mahigit dalawang daang mga barangay sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan ang naging apektado o nakaranas ng pagbaha dahil sa nagdaang sama ng panahon at pinagtibay ng Bagyong Egay.
Base sa monitoring ng Provincial Government ng Pangasinan at ng PDRRMO, nasa kabuuang 216 na barangays mula sa dalawampung (20) bayan sa lalawigan ang nakaranas ng pagbaha.
Kinabibilangan ito ng mga bayan at lungsod ng Dagupan City na may 29 na Barangay. Gaya ng sa bayan ng Aguilar na may 10 na Barangay, lungsod ng Alaminos City na may 2, bayan ng Bautista na may 12, bayan ng Bayambang na may 5, bayan ng Binmaley na may 33, bayan ng Bolinao na may isa, bayan ng Bugallon na may 12, bayan ng Calasiao na may 16, bayan ng Lingayen na may 21, Mabini na may 1, Malasiqui na may 6, Mangatarem na may 31, Mapandan na may 5, Rosales na may 1, lungsod ng San Carlos City na may 8, San Fabian na may 8 rin, San Nicolas na may 1, Sta. Barbara na may 12, at bayan ng Urbiztondo na may 2.
Sa ngayon inaalam pa ng awtoridad ang mga lugar na nabanggit kung mayroon ng paghupa ng tubig sa mga ito.
Sa ngayon din ay patuloy ang isinasagawang assessment at monitoring sa mga lugar na ito ukol sa mga naging damage dito at patuloy din ang isinasagawang pamamahagi ng relief goods sa mga apektadong pamilya ng sama ng panahon partikular na ang pagbaha. |ifmnews
Facebook Comments