Higit 200 Pinoy sa Hong Kong, tinamaan ng COVID-19

Nasa 221 na ang bilang ng mga Pilipino sa Hong Kong ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine Overseas Labor Office (POLO) Labor Attache Melchor Dizon na sa bilang na ito, 95 ang nananatili sa bahay ng kanilang employer para sa quarantine.

Nasa 22 ang nananatili sa government quarantine facility, 22 rin sa Non-Governmental Organization (NGO) isolation facility, 6 sa hotel facility at 8 naman ang nasa ospital.


Mayroon pa aniyang iba ang nananatili sa boarding house at naghihintay ng tawag mula sa Center for Health Protection ng Hong Kong para sa kanilang isolation.

Kahapon lamang aniya ay nasa 55, 000 na ang bilang ng naitalang COVID-19 cases sa Hong Kong.

Tiniyak naman ng opisyal na napaabutan na nila ng ng tulong ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nagpositibo sa virus.

Habang nasa 43 Pilipino naman ang una nang naka-recover sa COVID-19.

Facebook Comments