Higit 2,000 job vacancies, iaalok ng PESO Manila sa gagawing job fair katuwang ang DZXL Radyo Trabaho

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila na magsasagawa sila ng Mega Job Fair kasama ang mga pribadong kompanya at ang DZXL Radyo Trabaho.

Nasa higit 2,000 bakanteng trabaho ang iaalok sa mega job fair na pangungunahan ng Public Employment Service Office (PESO) ng Manila Local Government Unit (LGU).

Bukas ang naturang job fair para sa high school graduates, college level, college at techvoc graduates.


Sisimulan ang mega job fair ng alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng tanghali na gaganapin sa Universidad de Manila Covered Court malapit sa City Hall at LRT I, Central Terminal sa Cecilia Muñoz St., Ermita, Manila.

Payo ng PESO Manila sa aplikante na magsuot ng casual attire; magdala ng sampung kopya ng resume o higit pa; magdala ng sariling ballpen; at sumunod sa mga pinaiiral na public health protocols.

Ang mga kwalipikadong aplikante ay maaaring mapasama sa hired on the spot kung saan makakapagsimula sila ng trabaho sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments