HIGIT 2,000 SERBISYO MEDIKAL, HANDOG SA MGA RESIDENTE SA BRGY. CALMAY

Ipinagpatuloy ng lokal na pamahalaan ang adbokasiya na ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat komunidad matapos maihatid ang kabuuang 2,689 health services sa mga residente ng Brgy. Calmay kahapon sa ilalim ng programang Purok Kalusugan.

Sa ilalim ng aktibidad, pinakamaraming nahandugan sa feeding program na umabot ng 1,029, health lecture at Water Sanitation and Hygiene Program na nasa 858; consultation na nasa 390 at iba pang serbisyo medikal.

Sa kabuuan, umabot sa 2,689 serbisyo ang naibigay sa mga residente ng barangay, na layuning mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng bawat pamilya.

Ang Purok Kalusugan ay bahagi ng tuloy-tuloy na inisyatibo ng lungsod na iparating ang de-kalidad at libreng serbisyong medikal at nutrisyon sa bawat residente, lalo na sa mga komunidad na may limitadong access sa health facilities.

Facebook Comments