Aabot sa 4.7% ang “wastage” o nasayang mula sa kabuuang bilang ng mga bakuna kontra COVID-19 na natanggap ng Pilipinas.
Ito ang kinumpirma ni outgoing Health Sec. Francisco Duque III sa isang media forum sa Maynila.
Nilinaw ni Duque na ang naturang numero ay pasok pa rin naman sa 10% na pinapayagan ng World Health Organization o WHO.
Batay sa ibinigay na datos ng National Task Force against COVID-19 na kinumpirma rin ni Health Usec. Myrna Cabotaje na ang kabuuang bilang ng mga COVID-19 vaccine na nai-deliver sa Pilipinas ay nasa 245,382,600.
Base naman sa National Vaccination Operations Center o NVOC, mula noong June 26 nasa 154,132,506 na bakuna ang naiturok na kung saan 70,358,612 na Pilipino ang fully vaccinated habang 14,947,878 ang nakatanggap na ng first booster shot.