DZXL Radyo Trabaho Team, bibisita naman ngayon sa Lungsod ng Maynila

30

Tuloy-tuloy ang pag-iikot ng DZXL Radyo Trabaho Team sa iba’t ibang tanggapan ng Public Employment Service Office (PESO) sa Metro Manila.

Ngayong araw, pupunta ang Radyo Trabaho Team sa lungsod ng Maynila at magkakaroon ng courtesy call kay PESO Manager Fernan Bermejo mamayang alas-9:00 ng umaga.

Pangungunahan ito ng ating Station Manager Buddy Oberas kasama ang ilan sa team ng Radyo Trabaho.


Ang PESO Manila ay matagal nang katuwang ng DZXL Radyo Trabaho sa pagpapakalat ng mahahalagang impormasyon, programa at proyekto lalo na sa pagbibigay ng trabaho sa mga Manilenyo.

Taong 2019 nang unang bumisita ang Radyo Trabaho sa PESO Manila at ngayong lang ulit tayo bibisita sa kanila simula ng pandemya.

Noong nakaraang linggo, bumisita tayo sa PESO Quezon City kung saan humarap sa ating grupo si Manager Rogelio “Batoy” Reyes.



Sa Hulyo, abangan ang iba pang tanggapan ng PESO na aming bibisitahin at kukumustahin.

Facebook Comments