Higit 500 bagong kaso ng Delta variant, naitala ng DOH

Naitala ngayon ng Department of Health (DOH), University of the Philippines – Philippine Genome Center at University of the Philippine – National Institute of Health ang nasa 516 na karagdagang kaso ng Delta Variant sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, 473 dito ay local cases, 31 ang Returning Overseas Filipinos (ROF) at 12 kaso ang kasalukuyang bineberipika.

Sa 473 na local cases, 114 dito ay National Capital Region (NCR), 24 na kaso sa Ilocos Region, 32 sa Cagayan Valley, 64 sa Central Luzon, 79 sa CALABARZON, 20 sa MIMAROPA, 16 sa Bicol Region, 13 sa Western Visayas, 23 sa Central Visayas, 12 sa Zamboanga Peninsula, 48 sa Northern Mindanao, 22 sa Davao Region at 6 Cordillera Administrative Region.


Anim sa mga nadagdag na bilang ay pawang mga aktibong kaso, lima ang nasawi at 505 ang naitalang gumaling sa sakit.

Sa kasalukuyan, pumalo na sa 1,789 ang naitalang kaso ng Delta variant sa bansa habang 38 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso, 33 ang total ng nasawi at 1,713 ang gumaling.

Samantala, nasa 81 naman ang naitalng nadagdag sa bilang ng tinamaan ng Beta variant, 73 ang Alpha variant at 41 naman ang P. 3 variant ng COVID-19.

Facebook Comments