Higit 500 indibidwal, nadakip ng MPD sa pagpapatupad ng gun ban sa Maynila

Aabot sa mahigit 500 individwal ang nadakip ng Manila Police District (MPD) sa ipinatupad na Comelec gun ban.

Sa datos ng MPD – District Election Monitoring Action Center (DEMAC), umabot na sa 557 ang naitalang paglabag sa gun ban simula nang ipatupad ito noong January 12 hanggang June 10, 2025.

Nasa 565 ang naaresto kung saan karamihan ay pawang mga sibilyan habang dalawa ang nahuli sa mismong COMELEC checkpoints.

Sa kabuuan, 564 armas ang nakumpiska, 553 dito ay mga improvised na baril habang lima ay mga walang lisensiya at apat na pampasabog.

Nakumpiska rin ang dalawang replica firearms at 730 na bala o ammunitions.

Pinakamarami nahuling lumalabag sa gun ban ay mula sa Police Response at Patrol Operations na may 339 insidente, sinundan ng iba pang law enforcement operations na may 208 kaso.

Sa kabila ng mga naitalang paglabag, nananatiling zero ang validated election-related incidents sa Maynila.

Facebook Comments