HIGIT 5M HALAGA NG TUPAD PROGRAM, IPINAGKALOOB NG DOLE SA LGU ILAGAN

Ipinasakamay ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2 ang nasa kabuuang 5,550,000.00 Pesos sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod ng Ilagan nitong Huwebes, Agosto 11, 2022 sa Brgy. Lullutan, City of Ilagan, Isabela.

Nakatakdang ipamahagi sa mga mamamayang Ilagueños ang nabanggit na halaga sa pamamagitan ng programa ng ahensya na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD).

Tinanggap ni City Mayor Jose Marie Jay Diaz mula sa DOLE Region 2 ang halaga bilang isa sa mga programa na nakapaloob sa isinagawang Groundbreaking Ceremony ng Winter Wonder Park na nakatakdang itayo sa lungsod.

Bahagi pa rin ang nasabing aktibidad sa selebrasyon ng 10th Cityhood Anniversary ng lungsod.

Facebook Comments