Nitong hapon ng Lunes, Enero 10, 2022, isinagawa ang pre-screening sa Cabagan Gymnasium kung saan nasa 475 na aplikante mula sa bayan ng Cabagan ang sumailalim sa unang bahagi ng interview; 35 sa Santa Maria at 28 sa San Pablo, Isabela.
Habang ang ibang schedule naman ay isinagawa sa Tumauini Gymnasium na dinaluhan naman ng nasa 182 na mga magsasakang aplikante kung saan 110 ay galing sa bayan ng Tumauini; 48 sa Delfin Albano at 24 sa Sto.Tomas.
Sa kabuuan, tinatayang nasa 720 na mga magsasaka mula sa anim na bayan sa unang distrito ng Isabela ang nag-apply at na-interview sa ilalim ng nasabing programa.
Bukod sa ginawang pre-screening, nagsumite din ng Bio-data ang bawat aplikante.
Iaanunsyo naman ng bawat Municipal Agriculture Office ang mga kwalipikado sa nasabing programa para sa pinal na interview na isasagawa ni Mr. Kim, isang Korean National na namamahala sa proseso ng recruitment.