Bagong Pinuno ng PNP Isabela at Batanes, Pormal nang Umupo

39
Cauayan City, Isabela- Pormal nang umupo sa pwesto ang bagong pinuno ng Batanes at Isabela Police Provincial Office nitong Lunes ng umaga, January 10, 2022.

Pinangunahan mismo ni PBGen. Steve Ludan, Regional Director ng PRO2 ang turn-over of command ceremony sa incoming at outgoing na Provincial Directors ng PNP Batanes at Isabela sa Grandstand ng PRO2.

Pinalitan sa pwesto ni Police Colonel Emil A Tumibay si Police Colonel Ismael P Atluna bilang bagong pinuno ng Batanes PPO.

Si PCol Tumibay ay miyembro ng PNPA “Kapanalig” Class of 1997 at dating hepe ng Regional Investigation and Detective Management Division 2 habang si PCol. Atluna naman ay kabilang sa PNPA “Tagapaglunsad” Class of 1993.

Samantala, si PCol James M Cipriano naman na outgoing Provincial Director ng Isabela PPO ay pinalitan ni PCol. Julio R Go.

Si PCol. Cipriano ay miyembro ng PNPA “Kabalikat” Class of ’98 habang si PCol. Go naman ay miyembro ng PNPA “Tanglaw-lahi” Class of 1999 at dating Chief ng Regional Anti-Cyber Crime Unit 2.



Pinuri naman ni RD Ludan ang dalawang outgoing na Provincial Directors sa ipinakitang magandang pamumuno sa nasasakupang probinsya.

Dagdag dito, ginawaran ng “Medalya ng Kasanayan” at binigyan ng Certificate of Recognition sina PCol Atluna at PCol Cipriano bilang pagpupugay sa kanilang pagiging ama ng Batanes at Isabela PPO simula January 8, 2020 at May 8, 2020 hanggang January 8, 2022.


Binigyan din ng parehong parangal si PCol. Tumibay sa pagsisilbi nito bilang hepe ng RIDMD2 mula December 14, 2018 hanggang January 8, 2022.

Bukod dito, isinagawa rin ang turnover ng office symbol at property book pagkatapos ng naturang seremonya.

Facebook Comments