Higit 700k Indibidwal sa Cagayan Valley, Bakuando na kontra COVID-19

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa kabuuang 501,887 na indibidwal ang nabakunahan sa unang dose kontra COVID-19 sa buong lambak ng Cagayan, ayon sa Department of Health Region 2.

Sa datos ng Cagayan Valley Region Vaccination Quick Summary Report as of August 19, 2021, nasa 230,261 ang nabakunahan ng Sinovac; 106,806 naman sa Astrazeneca; Pfizer na may 9,994; Sputnik Gamaleya 12,890; Moderna 4,988 at Janssen 136,948.

Samantala, umabot naman sa kabuuang 216,159 ang nabakunahan sa ikalawang dose kontra COVID-19 kung saan 133, 306 ang nakatanggap ng Sinovac; 72,727 naman sa Astrazeneca, Pfizer na may 9,826, at Gamaleya na umabot pa lang sa 300 indibidwal ang nabakunahan.


Patuloy naman ang ginagawang vaccination roll-out sa mga kabilang sa priority group kung saan umaarangkada na rin ang pagbabakuna sa group A5 o kabilang sa mga indigent sector sa kabila ng may ilang lugar sa rehiyon ang nakasailalim sa high-risk epidemic classification.

Facebook Comments