Umabot na sa mahigit 8,050,711 COVID-19 vaccine doses ang nagamit sa buong bansa.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., kabuuang 8,050,711 doses na ng bakuna ang naiturok hanggang noong Biyernes, June 18.
Sa datos mula sa National Vaccination Operations Center (NVOC), 5,953,810 ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna habang 2,096,901 ang nakakumpleto na ng ikalawang dose.
Simula Marso, nasa 11,731,640 vaccine doses na ang naipadala sa sa 3,991 vaccination sites sa buong bansa.
Facebook Comments