Cauayan City, Isabela- Pumapalo na sa bilang na 8,200 ang total COVID-19 cases na naitala sa Lalawigan ng Isabela.
Sa pinakahuling datos mula sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), nasa 107 ang naitalang panibagong kaso habang 63 ang bagong nakarekober.
Umaabot naman sa 6,671 ang kabuuang bilang ng gumaling sa probinsya habang naglalaro sa 1,370 ang aktibong kaso.
Nakapagtala na rin ang Isabela ng 159 na pasyenteng namatay na positibo sa COVID-19.
Mula sa bilang ng aktibong kaso sa probinsya, pinakamarami pa rin ang Local Transmission na may 1,158; sumunod ang mga health workers; 41 na kasapi ng PNP; labing lima (15) na Locally Stranded Individuals (LSIs) at isa na Returning Overseas Filipino (ROF).
Facebook Comments