Higit 9,000 indibidwal, naitalang gumaling sa COVID-19 ayon sa DOH

50

Aabot sa 9,197 ang panibagong gumaling sa Pilipinas dahil sa COVID-19.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, sumampa na sa 1,022,224 ang kabuuang recoveries sa bansa.


Nasa 7,174 bagong kaso naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 1,101,990 ang kabuuang bilang ng kaso sa Pilipinas.

Sumampa naman sa 18,472 ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos itong madagdagan ng 204 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 61,294 na ang total active cases sa bansa.

Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng tatlong Filipino sa ibang bansa na nadagdag sa bilang ng tinamaan ng virus.



Kaugnay nito, nasa 18,450 na ang kumpirmadong kaso habang 1,160 ang bilang ng nasawi at 11,349 ang gumaling sa COVID-19.


Facebook Comments