Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ms. Sherry Ann Balmaceda, Human Resource Management Officer ng Cauayan City, kanyang sinabi na ang naturang aktibidad ay kabilang sa kanilang mga nakalatag na programa bilang pakikiisa sa Civil Service Month Long Celebration.
Layunin naman nito na malaman ang kondisyon ng kalusugan ng bawat manggagawa ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Cauayan.
Karamihan naman sa mga nagpatingin na empleyado na nasa edad 40 pataas ay nakitaan ng mga kadalasang sakit tulad ng highblood, mataas ang uric acid at cholesterol sa katawan.
Bilang tulong naman sa mga may karamdaman ay binigyan ang mga ito ng libreng gamot at inabisuhan din na mag follow up checkup ang mga ito.
Labis naman ang pasasalamat ng mga City employees dahil binigyan sila ng pagkakataon na makapag pa check-up at nailapit na mismo ito sa kanilang trabaho.
Ipagpapatuloy naman ngayong araw ang libreng check up para sa mga hindi pa nakapag patingin at matatapos naman ito mamayang alas dose ng tanghali.
Samantala, sinabi pa ni Ms. sherry Ann Balmaceda na magsusumite ito ng proposal para gawin nang taon-taon ang nasabing aktibidad dahil malaking tulong aniya ito sa mga LGU Employees.