Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng 19,716 hog mortality sa nakalipas na taon ang lokal na pamahalaan ng Cauayan matapos maranasan ang African Swine Fever (ASF) Outbreak kung saan 38 mula sa 65 barangay ang labis na naapektuhan ng pagkalat ng naturang sakit ng alagang baboy.
Ito ang inihayag ni City Mayor Bernard Faustino Dy sa kanyang Virtual State of the City Address 2021 ngayong araw.
Ayon kay Mayor Dy, nagkaroon ng kawalan ng kita sa hog industry na pumalo sa kabuuang P98,580,000.
Kaugnay nito, hindi bababa sa 3,000 alagang baboy ang isinailalim sa culling o pagbaon sa lupa bilang hakbang sa hindi pagkalat ng sakit sa mga bakuran.
Marami din ang mga manggagawang umaasa lang sa pagbababoy kung kaya’t masakit para sa ilan ang mawalan ng trabaho bunsod ng nangyaring outbreak sa mga alagang baboy.
Sa kabila nito, may ilan na ring magsasaka ang nakatanggap ng tulong sa pamahalaan.