HINDI PA NAWAWALA | PRRD, tiwala pa rin kay Customs Chief Isidro Lapeña

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na hawak parin ni Customs Commissioner Isidro Lapena ang buong pagtitiwala ni Pagulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, sa harap narin ng lumabas na balita na sangkot umano si Lapena sa 6.8 billion pesos na shabu shipment na nakalusot sa Customs.

Ayon kay Panelo, nang huling makausap niya si Pangulong duterte ay wala namna itong nabanggit na wala na siyang tiwala kay Lapena.


Pero binigyang diin nito na sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso at sakaling maglabas ng resulta ang National Bureau of Investigation ay agad itong aaksyunan ng Malacañang.

Facebook Comments