HINDI TOTOO? | Pangulong Duterte, ipinakitang hindi namamaga ang kaniyang mga kamay

Manila, Philippines – Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na namamaga
ang kaniyang mga kamay.

Taliwas ito sa naging pahayag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ng namaga ang
kamay ng Pangulo dahil sa pagsuntok sa isang pader sa MalacaƱang matapos
ibasura ng national prosecution service ang reklamo laban sa mga drug lords
na sina Kerwin Espinosa at iba pa.

Sa isang litrato na kuha sa loob ng bahay ng Pangulo, ipinakita nito na
hindi naman namamaga ang kaniyang mga kamay.


Nabatid na noong Biyernes rin ay sinabi ni Special Assistant to the
President Bong Go na tila namamaga ang mga kamay ng Pangulo.

Facebook Comments