#HindiItoNetworking: Paano kumita ng pera ng nasa bahay?

Umiiwas sa traffic? Sa mahabang pila ng mga nag-aapply? Mahal na pamasahe sa jeep? O kaya naman ay ayaw mong malayo sa pamilya habang nagtatrabaho? Huwag kang mag-alala Idol! Narito ang mga tips para kumita ka ng pera sa bahay! Ops, hindi ito networking ha?

  1. MAGTRABAHO ONLINE

Maghanap ka ng pwede mong gawing trabaho online. Isa na sa mga pwede mong pag piliian ang pag gawa ng blog post o kaya mag vlog sa Youtube.


  1. DO IT YOURSELF (DIY)

Marami kang alam na gawin gamit ang iyong kamay? Aba! Pwedeng -pwede mong pagkakitaan yan. Pwede kang gumawa ng damit o mga burloloy sa katawan at ibenta ito. Magandang ideya din ang pagbebenta ng mga lumang damit sa garahe o pagga-garage sale!

  1. MATUTONG MAG SHARE NG KAALAMAN

Kung magaling ka naman sa pag susulat, o pagbibigay ng advice sa madaming bagay, pwede mo din yang maging trabaho. Magahanap ng sites na may offer sa pagsusulat  ng guides o advices.

  1. BENTA MO PICTURES MO

Mahilig kang magpicture-picture at mag edit? Pwedeng pwede mong gawing trabaho yan! Ibenta mo ang iyong mga magagandang kuha sa mga photography sites.

  1. I-TAKE ADVANTAGE ANG PANAHON

Huwag ka nang mainis kapag sobrang init o kaya ay sobrang lamig ng panahon. Pag summer, pwede kang magbenta ng mga halo-halo, mais con yelo o kung ano ano pang malamig. At kung tag ulan naman ay pwede kang magbenta ng maiinit na inumin o pagkain tulad ng pares, lugaw o champorado.

Facebook Comments