
Nakumpiska mula sa isang 43 anyos na lalaki ang nasa labing limang gramo ng hinihinalang shabu sa isinagawang operasyon ng awtoridad sa Agoo, La Union.
Nagkakahalaga ang nakumpiskang ilegal na droga ng humigit-kumulang 102,000 pesos at ilan pang mahahalagang ebidensya.
Ang operasyon ay isinagawa sa pamamagitan ng isang Search Warrant laban sa suspek para sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Sa bisa ng mga nasabing warrant, naaresto ang suspek at nasamsam ang mga sumusunod na ebidensya:
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.
Facebook Comments









