HINIKAYAT | PACC Commissioner Greco Belgica, hinimok ni Presidential Spokesman Harry Roque na makipag-ugnayan sa kanila

Manila, Philippines – Hinikayat ni Presidential Spokesman Harry Roque na makipag-ugnayan sa kanila si Commissioner Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kaugnay sa mga iniimbestigahang opisyal ng gobyerno na sangkot sa katiwalian.

Matatandaan na sinabi ni Belgica na may apat na miyembro ng gabinete ang pina-iimbestigahan dahil sa katiwalian at nanganganib na matanggal sa puwesto.

Ayon kay Roque, nakakagulo lang ang inilalabas na pahayag ni Belgica lalo na at hindi naman ito otorisadong magsalita para kay Pangulong Duterte.


Sinabi ni Roque na ang trabaho lamang ng PACC ay magrekomenda ng mga iimbestigahang opisyal pero si Pangulong Duterte pa rin ang masusunod kung susundin o hindi ang kanilang rekomendasyon.

Dahil dito, pinatatahimik ng Malacañang si Belgica at kung mayroon itong ilalabas na pahayag dapat muna silang kausapin para maiwasan malito ang mga mamamayan.

Facebook Comments