Inaprubahan na ng Department of Transportation (DOTr) ang hirit na taas-pasahe sa LRT 1 at LRT 2.
Pero ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos na ipagpaliban ang implementasyon nito habang masusi pang pinag-aaralan ang posibleng epekto nito sa mga commuter at sa inflation.
Sa ilalim ng inaprubahang fare hike petition, tataas ng ₱2.29 ang pamasahe sa LRT 1 at LRT 2 at karagdagang ₱0.21 sa kada kilometrong itatakbo ng tren.
Dahil dito, magiging ₱13.29 na ang minimum boarding fee sa dalawang linya ng tren mula sa kasalukuyang ₱11.
Samantala, ayon pa kay Bautista, ipinagpaliban din ang petisyong taas-pasahe sa MRT-3 dahil naman sa kabiguang makasunod sa mga requirement at procedures.
Apat hanggang anim na piso ang hirit na dagdag-pasahe ng MRT-3.