Sec. Remulla at dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves, nagkaharap na

Nagkaharap na sina Justice Sec. Jesus Crispin Remulla at dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves.

Sinabi ni Remulla na naganap ang paghaharap nila bago ang Semana Santa.

Aniya, iginiit sa kanya ng dating gobernador na wala siyang kinalaman sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at sa walong iba pa.


Tumanggi naman si Remulla na sabihin kung may ebidensiya silang hawak laban sa nakababatang Teves.

Samantala, hindi pa rin masabi ni Remulla kung kailan maisasampa ang kaso laban kay Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr.

Nanindigan naman ang kalihim na nananatiling nagtatago sa Cambodia si Cong. Arnie Teves.

Facebook Comments