HIV services, tuloy-tuloy pa rin kahit may pandemya – DOH

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga indibiduwal na may Human Immunodeficiency Virus (HIV) na patuloy i-avail ang libreng gamutan at iba pang serbiso.

Ito ang pahayag ng kagawaran kasabay ng paggunita kahapon ng International AIDS Candlelight Memorial Day.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang HIV ay hindi isang death sentence.


Maaari pa ring makapamuhay ng normal at masaya at malusog ang mga taong tinamaan ng sakit sa pamamagitan ng tamang impormasyon at life-saving treatment.

Pagtitiyak ni Duque na tuloy-tuloy ang HIV services sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Hinimok din ang mga taong namumuhay na may HIV na magpabakuna laban sa COVID-19 lalo na at sila ay bahagi ng A3 priority group o persons with comorbidities.

Facebook Comments