Dupax del Sur, Nueva Viscaya- Kasalukuyang tinutugis ng 84th Infantry Battalion, 7ID, Philippine Army kasama ang iba pang yunit militar sa ilalim ng 7ID ang mga NPA sa lalawigan ng Nueva Viscaya.
Ito ay matapos na magkaengkuentro noong Nobtembre 9, 2017 sa naturang lugar sa pagitan ng mga sundalo at NPA na nagresulta sa pagkamatay ng isang NPA at pagkasugat ng siyam na sundalo.
Pagkatapos ng naturang engkuwentro ay may tatlong elemento ng NPA ang nadakip noong Nobyembre 10, 2017 at nakumpiska sa kanila ang dalawang baril at granada.
Sa panayam ng RMN News Team kay 1Lt Catherine E Hapin ang Pinuno ng Division Public Affairs Officer ng 7ID, Philippine Army, ay kanyang idinagdag na tuloy ang pursuit operation kontra sa mga NPA at dahil dito ay isang abandonadong kampo nila ang nadiskubre sa naturang bayan noong Nobyember 13, 2017.
Ang naturang kampo ay puwedeng tirhan ng 80-100 na mga indibidwal. Ang 84th IB na pinamumunuan ni LtCol Jorge Bergonia ay patuloy ang kanilang operasyon laban sa mga NPA.
Samantala, ang bangkay ng narekober at ang tatlong nadakip ay ipinasakamay sa kapulisan para sa kanilang pagkakakilanlan, dokumentasyon at kaukulang mga proseso.