HULI | 3 mangingisdang naaktuhang gumagamit ng pampasabog, arestado!

Parañaque City – Arestado ang tatlong lalaki matapos na maaktuhang gumagamit ng pampasabog sa pangingisda sa Manila Bay, Parañaque City.

Isang tip ang natanggap ng mga awtoridad hinggil sa iligal na gawain ng mga suspek na sina Fredo Araza, Mark Jayson Reyes at Jun-Jun Cañete.

Nakuha sa kanila ang 19 na bote ng improvised explosives na gawa sa Ammonium Nitrate o abono sa lupa, compressor at mga bala.


Itinanggi ng mga suspek ang paratang. Pero kinasuhan pa din sila ng illegal fishing at illegal possesion of firearms and explosives.

Facebook Comments