HULI | Lolo, nagnakaw ng kalan sa Sampaloc, Maynila – arestado!

26

Sampaloc, Maynila – Arestado ang isang 81-anyos na lolo matapos pasukin ang isang bahay at tangayin ang isang ‘super kalan’ sa Sampaloc, Maynila.

Kasalukuyan nang nakakulong sa Manila Police District-Police Station 4 ang suspek na si Thomas Pascual, na residente ng gagalangin, Tondo.

Sa ulat, pinasok ng suspek ang bahay ni Norbert Santos sa 1770 J. Fajardo street, Sampaloc pero nakita siya ng biktima habang nakatambay sa labas.

Maya-maya ay lumabas ang suspek at bitbit na ang kanyang super kalan kaya’t humingi ito ng tulong at hinabol ang matanda.

Inabutan naman ang suspek at nabawi ang super kalan pero hindi na ito binugbog pa at sa halip ay itinurn-over na agad ito sa pulisya.

Facebook Comments