VALENTINE’S DAY | Dangwa, dinagsa ng mga mamimili ng bulaklak

15

Sampaloc, Maynila – Mala-Divisoria na ang scenario sa Dangwa Market Sampaloc, Maynila.
Tricycle man, motor, taxi, kotse, maging bus ay talagang napapahinto para lang makabili ng bulaklak para sa kanilang minamahal.
Yung iba dumayo pa galing Pampanga at namakyaw ng bulaklak sa Dangwa at balak ibenta sa kanilang lugar.

Ang Ecuador Rose na isa sa pinakamabenta, dating nasa P150 kada piraso pero ngayon ay mabibili na sa P200 hanggang P250.

Ang isang dosenang rosas naman na dating P1,500 ay pumalo na ngayon sa P1,800.

Ang isang boquet ng mga bulaklak na pinaghalong Mums, Star gazer, Gerbera at Astro na dating P500 ay nasa P700 na ang presyo.
Ang Star gazer mula sa dating P100 kada stem ay nagkakahalga na ngayon ng P150.
Gayundin ang Carnation na dating P100 kada stem ay pumalo na sa P200.
Samantala, mabenta rin ngayon ang mga stuffed toys boquet na nasa P1,200.
Chocolate boquet na nasa P1,200 at combination ng chocolate at stuffed toys na nasa P1,200 din ang presyo.
Sa mga budgeted naman pero gusto pa rin magbigay ng something special sa kanilang mahal, may artificial roses na nasa P100 kada piraso at mga stuffed toys na P85 hanggang P200.

Facebook Comments