Huling batch ng mga bagong kongresista, nagtapos na sa legislation course

Natapos na kahapon ang tatlong araw na executive course on legislation para sa ikatlo at huling batch ng aabot sa 65 na bagitong kongresista.

Mababatid na sa first batch ay 26 kongresista ang sumabak sa orientation, at 55 naman sa second batch.

Kabilang sa mga nagtapos sa orientation ay sina Ilocos Norte First District Rep. Sandro Marcos at Cavite First District Rep. Jolo Revilla.


Bukod sa mga tauhan ng House of Representatives, kabilang din sa nagbigay ng refresher course sa mga neophyte congressmen ang University of the Philippines National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG).

Bukod sa liderato ng Kamara, nagpasalamat din siya sa House Secretariat na siyang naging punong-abala sa kanilang executive course.

Sa Lunes, July 25 ay masisimulan na nilang gamitin ang mga natutunan sa training kasabay ng pagbubukas ng 19th Congress at joint session sa hapon para sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Marcos.

Facebook Comments