911 sa 2,285 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala sa NCR; Kaso ng COVID sa Quezon City, pumalo na sa 232!

112

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 911 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon sa National Capital Region (NCR).

Mas mababa ito sa naitalang 988 na bagong kaso ng sakit kamakalawa.

Sa kabila nito, pumalo naman sa 232 ang new COVID-19 cases na naitala sa Quezon City habang umakyat din sa 123 ang naitalang kaso sa Makati.


Samantala, narito ang naitalang bago kaso ng sakit sa ibang bahagi ng metro manila:

Manila – 89
Pasig at Taguig – 81
Parañaque – 63
Pasay – 49
Las Piñas – 38
Muntinlupa – 47
Mandaluyong – 35
Caloocan – 25
Marikina – 22
Valenzuela – 14
San Juan – 11
Malabon – 8
Navotas – 2

Samantala, wala namang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Pateros.



Facebook Comments