Kung nasa system nga lamang umano ng isang makabagong teknolohiya ang isang karanasan, maaari sanang balikan at mae-edit iyon para makamit ang kaligayahan. Ngunit ang reyalidad, hindi naisi-save sa isang memory card.
—
From El Rio, ang babaeng mangungumpisal ngayon. Si Katrina.
Confession ng isang babaeng labis na nanghihinayang. Pangungumpisal niya’y puno ng pagdaramdam.
—
Balewala kay Katrina ang pag-ibig at pagmamahal at panliligaw sa kanya noon ni Chino. Kahit pa nga nakailang boyfriends na siya, naroon pa rin si Chino. Hanggang sa nagpahinga muna siya sa pakikipagrelasyon. Saka sila naging close ni Chino. Hindi niya inaasahan na mapagbibigyan din niya si Chino na may mangyaring sekswal sa kanila. Napatunayan niya, kaibig-ibig din pala ang huli. Pero ang meron na sila ay wala kundi’y ugnayang sexual lamang.
Hanggang sa may natipuhang babae si Chino. Nagselos si Katrina. Animo may karapatan siya para pagbawalan si Chino. Pinagtatawanan na lamang siya ng huli dahil nanibago raw sa kanya. Hindi niya masagot kung ano ang nangyayari sa kanya. Huli na nang ma-realize niyang natutunan na niyang mahalin si Chino. Pero ang tugon ng lalaki, baka nalipasan lamang siya ng gutom.
Sa ngayo’y labis ang sakit na nararamdaman ni Katrina dahil may girlfriend na si Chino. Girlfriend na lagi namang nananakit ng damdamin ng lalaki. Si Katrina’y hinahanap-hanap niya ang dating pagtingin ni Chino sa kanya, ang pagsasabi ng mga katagang I LOVE YOU sa kanya. Kahit naaangkin pa rin niya si Chino sa aspetong sekswal, pero sa tunay nitong kahulugan, at the end of the day, hindi yata magiging kanya si Chino.
—
Paano nga ba niya maibabalik ang dating damdamin ni Chino sa kanya.? Ano pa nga raw ba ang dapat niyang gawin upang maimulat si Chino, na mas deserving umano silang dalawa para sa isa’t isa.?
i Confessions; Katrina
Facebook Comments