9th infantry division, ikinasa na ang validation kaugnay sa umanong planong terror attack ng mga rebeldeng grupo

Manila, Philippines – Ipinatupad na ng 9th Infantry division Ng Philippine Army ni Commander Major General Manolito P. Orense, AFP, ang actual monitoring at evaluation sa lahat ng mga lugar kung saan ito ay nasaklawan ng terror threat report sa June 30.

Tinutukan ang lahat ng mga lugar sa lalawigan para alamin kung mayroon ngang mga bagong mukha na maaring supporter ng maute at BIFF o ng mga lokal na terorista sa bansa.

Ang katiyakan ay pinalabas ng kanyang spokesperson na si Captain Randy Leonar ng 9th Infantry Division para aniya maalis ang agam-agam at takot ng mga bikolano’t bikolana ngunit tiniyak ng naturang opisyal na handa ang buong puwersa ng Philippine Army at AFP na ipagtanggol ang kapayapaan sa Bicol region.


Facebook Comments